ne me quitte pas.
Nabi. 19. UST-College of Nursing. .

Another space-consuming being with so much feelings, but sometimes, lack there of. Sapiosexual.

There is always something more than what the eyes can see, what the ears can hear, what your hands can touch, what the heart can feel. And I believe that everything doesn't have to be real.

We are all unique, therefore we are all the same. Prove me wrong.

Sugal.

Mahirap ipaliwanag pero para sakin, pagdating sa makakarelasyon:

  • Hindi ako mai-inlove sa isang taong hindi ko naging kaibigan, pero;
  • Ayokong makipagrelasyon sa kaibigan ko kasi natatakot ako na mawala sya sakin pagdating ng panahon dahil lang nagkaron kami ng relasyon.

Pagdating talaga sa ganyang usapan, walang madaling paraan para gawin ang mga bagay-bagay. Hindi ka magiging masaya kung hindi mo isusugal ang isa. Kailangan mo talagang mamili kung kaibigan o ka-ibigan. Sa mga ganitong pagkakataon, iisipin mo na lang siguro talaga kung ano nga ba ang mas mahalaga sayo. Kung yung relasyon o yung tao. Kung yung relasyon, mahalaga sayo kung ano kayo. Kung yung tao, okay lang sayo kahit na ano pa kayo basta magkasama kayo, okay na. Alam kong mahirap ang isang relasyon na walang kasiguraduhan. Yung tipong kahit anogitna lang.

Kaya nga mahirap man, kailangan mong magdesisyon, kasi sa kahit na anong bagay, walang gitna. There’s never an easy or safe way to do it. Sa lahat ng gagawin mo kailangan may paninidigan at kasiguraduhan. Kung pakonti-konti lang yung binibigay mo, konti rin lang ang babalik sayo. Nasasayo ang desisyon, at kung ano man yung desisyon na ‘yon, siguraduhin mong kaya mong panindigan. Kapag nagdesisyon ka na, wala nang balikan.

Pero syempre dun ka pa rin kung san ka masaya.