Good evening everyone!
Just got home from Asian Hospital sa Alabang. Dapat pupunta kami sa SSS para asikasuhin yung pension namin pero nagkaron ng sudden change of plans at doon na lang kami napadpad. Nakakaloka. Napagod ako na wala man lang akong ginagawa. Nakaupo lang naman ako sa kotse, sa ospital nakaupo lang din, sa Shakey’s nakaupo lang din, pero sobrang nahahapo ako. Nakakaantok din kasi siguro yung panahon at talagang ayokong gumalaw maghapon.
Na-miss ko ang internet! Huhubels
Nakaligo din sa wakas!
Nagbuhay ermitanyo ako kanina. Hindi talaga ako bumangon maghapon at nanood lang ako ng movies. I watched Eternal Sunshine of the Spotless Mind and 3 Idiots. Those movies has got to be two of the best films I’ve ever seen. The stories were just brilliant. Maybe I could watch it again and never get tired of it. Lalo na sa 3 Idiots, sobrang iyak tawa na lang ako eh. Kainis lang kasi katabi ko yung kapatid ko manuod, di tuloy ako makapag-inarte ng maayos! Pero okay na rin pala, kesa naman na yung barkada ko yung kasama ko. Kantsaw lang aabutin ko. Allergic pa naman sa mga emotera at melodramatic ang mga taong yun! Kaya tinulugan ko lang sila nun nung nanood kami eh. On a lighter note, kamukha ni Rancho ng 3 Idiots si Shehyee ng Fliptop no?
Sobrang excited na akong mamili ng mga gamit ko para sa bago kong titirhan this school year! Ang dami ko nang plano eh. Sana magawa ko siya lahat. Bale pagkatapos ko mag-enroll sa 31, di na ako uuwi hanggang pasukan kasi maglilipat at mag-aayos ako dun. Magbababad ako sa Divisoria para makatipid. Ako lang gagawa lahat kasi may pasok na ulit si Mama. :(
Can’t believe I’m saying this pero sobrang excited na ako magpasukan. 3rd year na kasi eh. I’m halfway through college. Sobrang bilis ng panahon. Parang kelan lang tatanga tanga pa ako at nakanganga sa mga higher batch sakin, pero ngayon sa akin na sila nagtatanong ng tips. I’m just so happy and nervous dahil sabi nila, Junior year daw talaga ang pinakamahirap na year for Nursing.
Keri yan! AJA!
FLASHBACK - LAMPAYATOT
Grabe ano ba tong nahukay ko sa Facebook? Nakakaiyak teh! Nakakadiri itsura ko, di ko kinaya. Siguro mga 2nd year high school ako neto? Mukha akong may sakit at di pinapakain ng mga magulang ko. Kumpara naman sa taba ko ngayon di ba? HAHA nakakatawang nakakaumay eh.
Di ko talaga kinaya.
Barrio Fiesta
To celebrate the end of the summer semester, we had a small party with the theme of barrio fiesta, where we were assigned to bring the specialty/delicacy of our province.
One of the coolest parties our section ever had. Maybe because we are close to our Nutrition professors and they are just so cool! We were just so lucky to have them as our professors because at least they made summer a little more bearable. I will definitely miss our 4-hour classes and our kitchen sessions where we can actually cook what we will serve to our patients.
Last summer na ito! Third year na ako!
Bye people! Punta kami Tagaytay today. Feel na feel ko na ang bakasyon! Have a nice day! :D
Just a classic Nabi-Maki conversation.
I’m missing my baby girl big time! Huhu kelan ba tayo magkikita? Basta, pag papatayin mo na yang bitchesa na yan, wag mo ako kalimutan isama ha? You know I’m here for you :*
I labia majora, and minora, forever. :*
Good evening!
I just woke up. Wala kasing internet buong araw kanina. Ngayon lang nagkaron. Kaya ayun, sumuko na akong maghintay na magkaron at natulog nalang ako kaninang mga 4PM. Sobrang weird nung panaginip ko. Parang totoong totoo eh.
On a happier note, wala na akong sipon! Effective ang increased fluid intake, infairness.
At dahil magaling na ako, send me a message. :*
GOOD NEWS: Nagluto ako ng french toast with butter glazed onions and Gouda cheese. Then brewed some chamomile tea.
BAD NEWS: At first bite, “Puta may sipon nga pala ako.” Wala akong malasahan. :(
Good morning, people on the surface of the earth.
Matutulog na nga ako, naubos na yung mata ko.
Yung mga may sipon diyan, inom lang kayo ng maraming tubig at magpahinga kayo. Wag kayong pasaway na katulad ko, okay? Yung mga walang sakit naman, mag-ingat din kayo! Wag magpapa-ulan at magpapatuyo ng pawis!
Goodnight!
Back in Cavite. Syempre kahit sobrang sama na ng pakiramdam ko di ko pa rin napigilan mag-online kahit sandali.
Grabe, feeling ko masisinghot ko na yung sarili kong ilong dahil sa walang hiyang sipon na ‘to. Nakakainis kasi yung panahon eh. Ang init init tapos biglang uulan, tapos biglang aaraw nanaman. Namamaga na mga mata at buong mukha ko, kaloka.
Gusto kong pumunta ng TSAMU kaso mukhang hindi na yata ako papayagan. Saka wala akong pera. Huhubels. Kung sino man yung mga sasama, enjoy kayo mga parekoy :D
RF: Never pa akong naka-attend ng kahit na anong meet-up.
As usual late nanaman ako. 7:30 ang time ko pero 8:30 na at paalis pa lang ako ng Cavite. Oh diba bad ass. Hindi kasi ako nagising dahil sa sobrang sarap ng tulog ko. Bed weather. Absent nanaman ako sa first subject. Pero keri lang, wala na naman kaming gagawin eh. Exams na bukas! Yipeee!
Maghahanap ako ng malilipatang dorm mamaya. Wish me luck. Sana makahanap ako ng mura at malapit sa UST.
Goodbye, Philippines.
Hi guys! Napauwi ako ng Cavite ng wala sa oras! Kailangan ko kasing i-pick up yung sapin-sapin na share naming mga taga-Cavite for our block’s Barrio Fiesta. Hassle sa muscle!
Grabe yung nangyaring biyahe sakin kanina ha! Nagsimula nong sumakay ako ng jeep mula UST papuntang Lawton. Nagbayad ako ng 8 pesos pero feeling ko piso lang yung nai-upo ko. Isipin mo yung kalahating pwet, tapos yung one-fourth lang nun yung sumayad sa upuan. Sobrang gusto ko nalang umupo sa sahig kanina!
Tapos nasa Lawton na ako. Naghihintay ako ng bus na diretsong Cavite. Inabot lang naman ako ng mga 30 minutes kakahintay. Sobrang binagalan ko nang inumin yung binili kong milk tea para meron akong inumin sa bus. Pero wala, sa sobrang tagal naubos ko rin. Huhubels.
So ayun, nakasakay na ako ng bus. Nasa may Baclaran na kami at biglang a huge wave of passenger invaded the bus! Grabe kung nakita nyo lang yung itsura nung mga nakatayong tao kanina. Medyo napa-idlip ako nun, tapos nung pagdilat ko nakatabingi na yung bus sa sobrang bigat ng laman. Tapos bigla nang bumuhos ang malakas na ulan. Wala na akong nagawa kundi matulog na lang ulit at magdasal na sana laksan nila yung aircon at sana makauwi pa ako ng buhay. Sayang naman yung sapin-sapin kung di matitikman ng mga kaklase ko. HAHA
Pagbaba ko ng bus, syempre wala akong payong. Tinakbo ko dalawang kanto habang kumakanta ng HETO AKO BASANG BASA SA ULAAAAN. WALANG MASISILUNGAN. WALANG MALALAPITAN.
At salamat sa Diyos nakarating naman ako ng buhay sa bahay.
Haggardo Versoza ang lola mo.
Hindi pa tuyo ang uniform ko. Umulan kasi eh. Isa pa, tinatamad akong pumasok bukas. Sigurado magulo pa. Siguro wala na naman kaming gagawin eh. Pwede bang um-absent nalang? Gusto ko nalang umupo sa harap ng computer at pagmunihan ang buhay ko at buhay ng ibang tao. Oh my, nasisiraan na ako ng bait. Heeeelp.
Completely irrelevant photo. I’m so sorry. I’m so bored. And angry. And lonely.


