ne me quitte pas.
Nabi. 19. UST-College of Nursing. .

Another space-consuming being with so much feelings, but sometimes, lack there of. Sapiosexual.

There is always something more than what the eyes can see, what the ears can hear, what your hands can touch, what the heart can feel. And I believe that everything doesn't have to be real.

We are all unique, therefore we are all the same. Prove me wrong.
Dad,
You have no idea how much I miss you right now. It’s unfair that you’re up there and everything’s just ugly down here. Nothing’s changed, still stuck with the emotions of July 4, 2011. I guess I just learned how to get by. 
I hope to see you very soon.
Always,
Baby

Dad,

You have no idea how much I miss you right now. It’s unfair that you’re up there and everything’s just ugly down here. Nothing’s changed, still stuck with the emotions of July 4, 2011. I guess I just learned how to get by. 

I hope to see you very soon.

Always,

Baby

Monday, February 27, 2012

Happy Birthday, Jinnersha Nicole!

“And if a double-decker bus crashes into us, to die by your side is such a heavenly way to die. And if a ten-ton truck kills the both of us, to die by your side, well, a pleasure, the privilege is mine.”

 Sobrang cheesy ba? Sorry na. Pero pag kasama kita, feel na feel kong kantahin yan eh. Eh pano ba naman, kung si Jin Bamba nga naman kasi ang makakasama mong mamamatay, ehdi ok na ok yun! BIRTHDAY NA BIRTHDAY MO ETO PINAG-UUSAPAN NATIN EH NO? HAHA!

 Anyway… Jin, ito lang yung isa sa mga bihirang pagkakataon na gagawa ako ng letter para sa isang tao. Hindi ko ‘to normally ginagawa, pero kapag ginawa ko, ibig sabihin lang nun, sobrang importante ng taong yun sakin. Kaya alam mo na yan! Alam mo naman na mahal na mahal kita SAGAD! Balak ko sanang isulat kamay ‘to para makita mo ang effort ko, kaso naman sobrang haba at gusto ko na maintindihan mo. Eh ang panget lang ng penmanship ko forever.

 

So eto na…

 Isang araw, paglabas ko ng Mcdo UST, may lumapit sakin. Isang payat na babae.Naka-Superman na t-shirt. Well, sya lang naman yung nakasama ko mula nung first day of school. Sya yung nakakwentuhan ko ng wagas simula nung unang breaktime hanggang sa mag-Theology na, tapos nasaway pa kami ni Ma’am Aboy kasi nagdi-discuss sya ng requirements, tapos kami sobrang ingay lang ng tawanan sa likod. Sya yung taong wagas makatawa. Tapos tinatawanan nya rin lahat ng joke ko kahit hindi naman talaga mabenta. Sya rin yung taong andyan palagi para tulungan ako kahit na may pagkakataon na wala ako para sa kanya. SIYA SI JIN BAMBA.

 Simula nung unang araw na yun, alam ko na na isa ka sa mga kaibigan na ite-treasure ko. Ewan ko ba Bam. There is really something about you that catches people’s hearts. Maybe it’s your personality, your smile, your laugh, or your very distinct loud voice. O siguro lahat ng yun. Pero sa tingin ko, above it all, it’s you being yourself all the time. In this world full of judgmental people, you have managed to keep it real and still be loved by everyone. I really admire you for that, Jin. I know I couldn’t have done it myself, pero ikaw, you do it so effortlessly. You are a natural killer, Bam. HAAY. JIN BAMBA

Para kang MAGIC SARAP. All in one! Nanay, Tatay, Kapatid, Ate, Kuya, Boyfriend, Kaibigan, Teacher, Financer, Yaya, Nurse, Owner ng Bahay Ampunan (pag overnight), Babyrocket, microphone, at kung anu-ano pa. Name it at kayang kaya nyang gampanan! IKAW ANG NAGPAPASARAP NG BUHAY NAMIN, JIN BAMBA.

Naalala ko pa nga nung una tayong mag-bonding moment sa lovers lane. Grabe yun. Simula 4PM yata hanggang inabot na tayo ng 8PM. Puro kalokohan, mga masasaya at malulungkot na parte ng buhay natin. Yun yata ang unang pagkakataon na nakapag-share ako ng buhay ko sa isang taong saglit ko pa lang nakikilala. Sobrang gaan ng loob ko sayo nun eh. Ano ba kasing meron sayo? Di ko rin alam, pero isa lang alam kong pwedeng idahilan. IKAW SI JIN BAMBA.

Hinding hindi ko makakalimutan yung panahon na namatay yung Daddy ko. Ikaw yung pinaka-nakasama ko nung mga panahong yun. Ikaw yung dumamay at umintindi sakin. Alam mo naman yung sakit ng pagkawala ng tatay ko, and the complications that came with it. I became the person I never thought I would be, pero andyan ka pa rin at inunawa mo lahat ng kaartehan ko sa buhay. IBANG KLASE KA JIN BAMBA.

At hanggang lumaon, naging mas matatag tayo,Jin. Ang daming mga problemang dumaan at sumubok sa atin. Kita mo naman, ang daming mga dumating sa buhay natin, akala natin mga tunay na kaibigan, pero nung tumagal at lumabas na yung mga katotohanan, umalis din sila. Pero hindi ka ganun Bam. Hindi mo ako iniwan. Maraming maraming salamat dun. Simula nung una tayong nagkita, hindi na tayo naghiwalay. Hanggang ngayon tayo pa rin ang magkasama sa hirap at ginhawa. We’ve been bitches together; we’ve been angels together; we did the craziest thing together. Sana ganito na tayo forever. Hanggang mag-Med, mag-asawa, magka-anak, mag-retire at sa mga susunod pa.  WALANG IWANAN JIN BAMBA!

I  know that you deserve all the happiness in the world. I know that you deserve all the best things of this world. You deserve to achieve all your goals, aspirations and dreams. Alam ko naming kayang-kaya mo yan, Bam! Ikaw pa. Yung mga taong tulad mo yung pinag-papala ng Diyos. You deserve all the blessings because you yourself are a blessing for me and, for sure, for other people. I hope you know that you are always on my prayers. THE BEST KA JIN BAMBA!

Sobrang saya ko dahil nakakilala ako ng isang taong katulad mo. Sobrang swerte ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon na ma-experience kung pano magkaron ng JIN BAMBA sa buhay nya. Hindi lahat ng tao nabibigyan ng ganung pagkakataon. Yung ibang tao, nabigyan na sila ng chance to experience you at your best, pero they took that chance for granted, and they left. Naawa ako sa kanila. Kelan pa kaya sila makakakita ng isang katulad mo? NAG-IISA KA LANG JIN BAMBA!

Next year, hindi na tayo magka-klase. *IYAK NA AKO. TOTOO UMIIYAK NA AKO NGAYON HABANG NAGTA-TYPE*. Alam kong sobrang maninibago ako next year kasi wala nang maingay. At wala na ring kain ng kain ng Bread Pan. Tapos wala na ring mahuhulihan ng iPhone kasi laro ng laro. Maninibago ako kasi wala na akong hihingan ng pulbos at kasabay mag-ayos sa CR. Buti na lang sa classroom lang yun. Walang kalimutan Bam ha? Papabitay kita pag ini-snob mo ako sa school. *W/C IS MOST LIKELY TO HAPPEN KASI ANG LABO NG MATA MO*. Eh basta! Kahit na may bago ka nang friends, wag mo pa rin akong kakalimutan.

  Sana wag mong isipin na dahil birthday mo lang kaya ko sinasabi lahat ng ‘to. Sa totoo lang gusto ko sabihin sayo ‘to araw-araw pero masyado kasing cheesy, at saka hindi ako showy. Naisip ko lang na ito yung pinaka-magandang pagkakataon na sabihin sayo. Okay? O sya. Hindi ko na hahabaan pa. Baka tinatamad ka nang mag-basa eh.I have a lot more to say pero next time na lang.

Basta lagi mo lang tatandaan Bam na MAHAL NA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL (X68 X68 X68) KITA! SAGAD! SANA MASAYA KA NGAYON BIRTHDAY MO. Lahat sila iiwan ka, pero hindi ako JIN BAMBA! Andito lang ako palagi para sayo. Minsan lang talaga hindi halata. God bless you forever, Jin! More birthdays to come, and I am looking forward to spending every single one with you! LOVE YOU JIN!

 PS. I-ENJOY MONG MAIGI ‘TONG ARAW NA ‘TO HA! HULING BIRTHDAY MO NA ‘TO AS A MINOR. PWEDE KA NANG MAKULONG NEXT YEAR! BWAHAHAHA.