Comfort zones.
Minsan talaga kailangan nating mahiwalay sa sarili nating comfort zones para malaman natin kung hanggang saan ang kaya natin. Tulad na lang ngayong college na, maraming bagay ang kailangan kong isakripisyo para mag-aral at mabuhay mag-isa sa Manila. Tulad na lang ng pamilya, kaibigan, bahay, masasarap na lutong ulam at marami pang iba na nagpapagaan at nagpapadali ng buhay ko. Aaminin kong sobrang hirap nung kinailangan kong mahiwalay sa mga ‘yon. But at the same time, it was their absence that made me stronger.
Nalaman kong kaya ko naman pala. At kung akala mong hindi mo kaya, I’m sure makakaya mo rin at masasanay ka rin, in time. May mga pagkakataon na akala ko hindi ko na kaya; na akala ko susuko na ‘ko, pero sa mga pagkakataon din na ‘yon ko nasubukang i-push yung sarili ko. Dahil sa pagkakalayo ko sa mga comfort zones ko, mas marami akong natutunan at masasabi kong maraming naitulong yun sakin. Lalo na sa pakikipagkaibigan o pakikipagkilala, pagiging inependent, pagdedesisyon, at maging narin sa pagma-manage ng pera.
Basta lagi lang nating tandaan na sa buhay, walang kahit na anong may halaga ang madaling makuha. Kung baga, lahat ng bagay kailangan nating paghirapan para mas magkaroon yun ng kahulugan. There are things far better than what makes us feel comfortable, and those things are what makes us better.
Tagged as: blog. comfort zones. ust. dorm. life.
